MABILIS nagtungo si Louie sa loob ng bahay nina Mikaela, nang marating na nila ito. Pagpasok pa lang niya sa pintuan, nasulyapan kaagad ng kanyang mga mata ng ina ni Mikaela na nakayakap sa katawan ni Nestor. Wala itong tigil sa pagtangis. Sa kalagayan na nadatnan niya, sa tingin niya lubos na masasaktan ang kanyang damdamin. Lumapit si Lily kay Louie upang iabot sa kanya ang pangalawang diary book na kanyang ginawa. Nagkatitigan ang kanilang mga mata. Ni ayaw gumalaw ng kamay ni Louie para kunin ito. Pakiramdam niya mawawalan ng t***k ang kanyang puso. Ngunit wala na siyang magawa. Tatanggapin niya sa kanyang kalooban kung ano na naman ang bagong kasakitan na mararanasan ng kanyang damdamin. Gusto niya rin malaman kung ano ang nais sabihin sa kanya ni Mikaela. “Huwag kang mag-alala, si