Naramdaman ko ang paglapat ng aking likod sa malambot na higaan. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero hinihila ako ng labis na pagkaantok. Mabigat ang aking mga talukap, dala ng pagod at dami ng nainom kong alak. Ramdam ko din ang hilo at ang pag-ikot ng paligid. Gusto kong malaman kung nasaan ako. Kung sa kuwarto ko ba ito, o sa kuwarto ni Bjorn na nag-uwi sa akin. "Hmmm," napaungol ako ng maramdaman ko na may dumampi sa aking labi. Binaling ko sa gilid ang aking mukha, dahil gusto kong matulog, pero nanatili lang ang kung anumang bagay na nakadampi sa aking labi. Nang gumalaw ito ng marahan, doon ko lang napagtanto na may humahalik sa akin. Marahang gumalaw ang malambot na labi sa aking mga labi na may kasamang pagsipsip sa pang-ibabang labi ko. Hinahalikan ako ni Bjorn! N