55 Jetro's Pov

2103 Words

"Kumusta siya? Bakit hindi mo sinama pauwi?" tanong ni nanay matapos kong ibalita sa kaniya na nahanap ko na si Cecilia. Namamasa ang magkabilang sulok ng kaniyang mga mata. Mababakas sa kaniyang mga mata ang labis na pagkasabik sa kaniyang anak. Ngumiti ako at marahang umiling. "Hindi ako nagpakita, 'nay," sabi ko habang nakatanaw sa malawak na bukirin sa labas ng bahay nila. Nandito ako ngayon sa Cagayan Valley. Dito na ako dumiretso pagkagaling ko ng US. "B-Bakit? Nagbago na ba ang isip mo? H-hindi mo na ba siya m-mahal?" May lungkot sa kaniyang boses. Ngumiti ako at marahang umiling. "Mahal na mahal ko po siya. Hindi po 'yun magbabago. Pangarap niya ang maging modelo. Kaya hahayaan ko na po muna siya. Ayaw ko pong maging sagabal sa pangarap niya." Suminghap siya at tumango.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD