25.6

1367 Words

"Matulog na lang muna tayo. Alam kong pagod ka din," bulong ko bago sumiksik sa kaniyang balikat. Nakahubad siya ng baro at tanging boxer briefs lang ang kaniyang saplot. Katatapos lang niyang maligo. Binuksan ko ang dalawang electricfan para hindi siya gaanong mainitan, para komportable ang kaniyang pagtulog. Alam ko naman na sanay siya sa aircon. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo. Ilang sandali pa ay payapa na siyang natutulog sa aking tabi. "HINDI pala ako nakapag-dessert kagabi," bulong niya sa aking tenga. Nagising ako dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa aking bewang at sa panaka-nakang pagpisil niya sa aking magkabilang dibdib. Alas-sais pa lang ng umaga. Ang aga pa. Lumayo ako sa kaniya para tigilan niya ako. Dumapa ako. Antok na antok pa talaga ako. "Sweet

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD