Nang masigurong nakaalis na si Jetro ay inaya ko na si nanay na umalis, papunta sa condo ni Almira kung nasaan si Ela. Doon na din muna kami pansamantalang makikituloy. Wala namang reklamo si nanay, dahil gusto niya kaming makasama ni Ela. "Puwede naman kayong dumito o kaya sa condo ng kuya mo," sabi ni Ate Tasha. Inaalok niya na doon na lang kami muna tumira sa isa sa mga condo ni Kuya Adrian. Nasisiguro kong alam ni Jetro ang mga properties ni Kuya Adrian kaya tumanggi ako. Dahil sa nangyari kanina kailangan ko ng maging maingat. Kailangang itago ko si Ela. Tipid akong ngumiti kay Ate. Tiyak ko namang naunawaan niya ako kahit paano. Tulad ni nanay, hindi na lang siya kumontra. Nagpa-book ako ng grab na naghatid sa amin sa condo ni Almira. Sa buong biyahe ay naging tahimik ako. P