Araw nang pag-alis ng Alpha ng Darkclaws pack. Ang lahat ay nagtitipon sa labas ng packhouse upang makita ang pag-alis ng kanilang Alpha. "James, hindi mo ba talaga gigisingin si Alexis?" seryosong tanong ni Uno nang bumaling sa kaniya ang kanilang alpha. Ngumisi lang ang Alpha bago sumagot. "Hindi na. Mas magandang hindi na siya gisingin para makapagpahinga siya ng maayos. Alam ko naman na hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kay Nexxus kung kaya lagi niyang hinahanap," sagot ni James kapagkuwan ay napabuntong-hininga. Masakit man sa kalooban niya ngunit ito ang napapansin niya kay Alexis. Kahit na nagkaayos na silang dalawa, hindi siya bulag para hindi mapansin na sinisisi ni Alexis ang sarili nito kahit na ipinaliwanag na niya na hindi nito kasalan