SAKA LANG natinag si Gavin nang patayin ni Sandro ang laptop na kaharap ni Gavin sa kaniyang Study Room. “Tingin ko po ay hindi na healthy itong ginagawa ninyo, Sir Gavin. I’m sorry, pero kaunti na lang, makakarating na sa mga magulang mo ang inaakto mo rito sa Pilipinas.” Ikinurap-kurap ni Gavin ang kaniyang mga mata at saka lang nagawang tingnan si Sandro. “Don’t you dare, Sandro.” Bumuntong-hininga naman ito. “Sir Gavin, kung hindi ka subsob sa trabaho, ‘yan naman ang pinanonood mo. Lalo mo lang tino-torture ang sarili mo sa ginagawa mo, eh.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “May balita ba sa kaniya?” Umiling ito. Gets agad nito kung sino ang tinutukoy niya. “Wala pa rin po. Walang galaw ang pangalan niya sa kahit na saan. Sa bank, NBI o kahit saan na madaling ma-detect ng pri