“NAKARATING ba sa kaniya na hindi ko naubos ang pagkain ko?” bulong pa ni Ferlyn kay Gavin. May kaba sa kaniyang dibdib dahil sa pagtawag na iyon sa kanila ni Daizuke Niwa. “Hindi naman siguro,” ani Gavin kay Ferlyn bago siya inalalayan sa pagtayo. “Hindi tayo titigilan ni Daizuke hanggat hindi tayo lumalapit sa unahan,” bulong pa ni Gavin sa kaniya. “Relax ka lang,” masuyo pa nitong paalala sa kaniya. Hindi pa rin mapawi ang kaba sa dibdib ni Ferlyn. At kahit na anong relax ang gawin niya ay naroon pa rin ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi tuloy alam ni Ferlyn kung ngingiti ba siya kay Daizuke o hindi nang makalapit sila ni Gavin sa napakaseryosong may-ari ng UHB Leisure Club. “May problema ba? Kulang pa ba ang itinanim naming mga puno?” biro pa ni Gavin kay Daizuke. Just to break the