Napanguso sya habang busy ito sa mga paperworks n'ya. Hindi n'ya maiwasan mapangiti dahil sa sinabi nito kanina. Sinabihan s'ya nito na lalo syang gumaganda habang ngumingiti. Kinakagat n'ya ang ilalim ng labi n'ya para pigilan ang pag ngiti. "Saimon." Hindi s'ya nito tinignan, seryoso ito habang binabasa ang mga papel na nasa desk n'ya. Tumayo sya at mabilis na pumunta sa tabi nito, hindi talaga sya nito pinapansin. Wala kasing upuan sa tabi n'ya kaya nakatayo lang s'ya. "Saimon." Mahinang tawang n'ya dito. "Gugutom na ko." Saka ito napatingin sa kanya dahil sa sinabi n'ya. "Hindi mo agad sinabi?" ngumuso lang sya at tinawag ang secretary nito. "Sir." Pumasok ang isang babaeng simple lang pero mapag kakatiwalaan ito, dahil ang alam nya ay tatlong taon na tong nag tra trabaho dito b