"Akala ko nung una may bukas ang ganito...Mabuti pang umiwas, eero salamat na rin at nagtagpo...Torete, torete, torete ako...Torete, torete, torete sa 'yo~~" Dinilat nya ang mga mata nya at ngumiti sya. "Salamat natapos din!" pagod na sabi ni David. "Sino susundo sa'yo?" tanong sakanya ni Lyricko habang nag pupunas ng pawis. "Kung wala, ihahatid na kit---" "I'm hereee!" Napatingin sila kay Mj na naka short at isang loose shirt at mukang kakauwi lang ito galing kung saan. May dala din itong dalawang plastic bag at nilagay nya yun sa isang mesang maliit. "Kain muna tayo!" masayang aya n'ya. Biglang tumunog ang cellphone nya at agad naman nitong sinagot. Inipit ng balikat n'ya at ng kanyang tenga ang cellphone nya. "Hey! Naka uwi ka na ba? Sorry ah, hindi na ko nag pahatid sa'yo." nakang