E

1545 Words
INAYOS KO ang aking damit kahit na wala naman itong gusot. Laman pa rin ng isip ko ang sinabi ng lalaking iyon kanina. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata at kaagad itong binuksan. s**t. We were fine, but why did he turn cold? Hinilot ko ang aking sentido at napapikit. Pumintig-pintig pa ito na ikinangiwi ko. Shocks, ang sarap magpamasahe. Nagmulat ako ng mga mata nang biglang tumunog ang telecom. Napaayos ako ng upo at sinagot iyon. I cleared my throat before speaking, "Hello! Nathalie Diaz Cruz from JW's Corporation speaking. How may I help you?" I greeted to the other line. Hinintay ko naman ang sasabihin ng nasa kabilang linya. "Nat, please come inside my office," sagot ng may katandaang-boses ni Sir Javier. What? Ipapakilala niya na kaya sa akin ang bago naming boss? Bigla tuloy akong na-excite na ewan. Sana naman, mabait katulad ni Sir Javier. "Copy, sir." I immediately stood up from my seat and put the phone back to its position. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang aking underwear. It's still wet. f**k. Ang awkward sa pakiramdam. Pinilit kong maglakad nang maayos at umaktong normal. I pushed the glass door and went inside my boss' office. He looked at the seat in front of his table as if asking me to seat on it. Agad ko naman iyong ginawa. May dalawang upuan sa harap ng mesa ni sir at sa likod niya ay glass wall na kitang-kita ang view sa labas. "So you received my message, right?" I nodded at his question. He sighed and leaned back on his chair. "My eldest son just came home two months ago. Sa loob ng two months na iyon, I gave him knowledge sa mga galawan dito sa kompanya. He will be taking over my position and if he does something to you, please tell me and Miss Wyette, hija." His gaze fell over me and I can see the softness in Sir Javier's eyes. Ramdam ko talaga ang concern niya para sa akin na ikinatunaw ng aking puso. Muli kong naalala ang sinabi ni sir. Ano kayang meron sa anak niya? Para namang nabasa niya ang reaksyon ko dahil bigla siyang tumawa at umayos ng upo. "You see, parati kasi siyang nali-link sa kung sino-sinong babae, eh, at kapag nakita mo siyang may kasamang babae, please report it to me. Gusto ko na kasing magtino ang anak ko." Bumuga pa ito ng hangin na para bang namomroblema. Nakinig lang ako kay sir. Tumayo ito at hinarap ang glass wall nang nakapamulsa. "'Di ko alam kung kailan magtitino 'yang anak ko. Tingnan mo nga, kanina ko pa tinatawag pero hanggang ngayon, 'di pa dumati—" "Hey, dad. Sorry, I was just busy deleting a CCTV footage." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang boses na iyon. Agad akong napalingon sa pintuan. Holy f**k? Kita ko ring napatingin siya sa akin. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Sir Javier. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina. I don't want them to think that their new boss is f*****g a mere employee. New boss. s**t! Bakit ngayon ko lang napagtanto? Nilamon ng inis ang utak ko kanina kaya hindi ko masyadong pinansin! Ang boba ko! Sa huli, tumigil ang kanyang tingin sa akin. Wala siyang emosyon habang tiningnan ako at hindi ko inaasahan ang pagtahip ng aking dibdib. Kung bakit? Hindi ko alam. Naiilang ako sa mga titig niya. "So, she's your secretary?" he coldly asked his father and looked at me with disgust. Napakurap ako sa emosyon na nakita ko sa kanyang mga mata. Why is he being like this? Mapakla akong natawa sa aking isipan. Hindi ko gets kung bakit ganyan siya umakto. Wala naman akong ginawa sa kanya. "Yes. She's efficient and hardworking. Anyone who dares to hurt her will surely receive a punishment from me. Tinuring ko na na parang anak si Nathalie. Treat her right, Jamie Wren," wika ni Sir Javier na may halong pagbabanta. So Jamie is his name? Mas lalong tumindi ang pagkadisgusto nito nang marinig ang sinabi ni Sir Javier. Tila, hindi naman iyon napansin ni sir. My chest tightened. Why is he treating me like this? "Pa, she's just a secretary. Nothing more. So, why do you care for her that much?" Napayuko ako sa narinig. Kumuyom ang aking kamao at mas lalong tumindi ang sakit na aking naramdaman. Ganito ba talaga ang anak ni Sir Javier? Ang bait ni Sir Javier ta's siya, isang hayop. "Your mouth, Jamie! Your mom cares for her, too. Don't talk badly about her. She's reliable and she works well. Kapag may isang masamang salita na mamutawi sa bibig mo, alam mo na kung ano ang gagawin ko, Jamie." At that moment, I wanna thank Sir Javier for defending me. Dumaan ang pagkamuhi sa mga mata ni Jamie at naiiling na pinadaan ang kanyang mga daliri sa buhok. "Whatever, dad." Sir Javier sighed upon hearing his son's answer and smiled apologetically at me. Nakakaintindi naman aking tumango sa kanya. Gago talaga ang anak niya. "Maiwan ko muna kayong dalawa. Again, Jamie, behave. Be nice to her, all right? If you have some questions, you can ask Nathalie." Tuluyan nang lumabas sa opisina si Sir Javier. Kami na lang dalawa ni Jamie ang naiwan dito. The room suddenly feels smaller. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "My father told me to ask you if I have some questions." Nag-angat ako ng tingin no'ng nagsalita siya. Hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin. "Now, tell me, woman. Do you have a relationship with my dad?" My eyes widened. What the f**k is he saying? "Excuse me?" Napatayo ako dahil sa gulat. Nahihibang na ba 'tong amaw na 'to? Porke't pinagtanggol lang ako ni Sir Javier, iniisipan niya na ng masama? Anong klase siyang anak? Sinamaan ko siya ng tingin. "Sir, mawalang galang na po, but I have a high amount of respect for your father. The relationship that I establish with him is the boss and secretary relationship only, nothing more. I've been working under him for a year already and Sir Javier truly cares for all his employee," I looked at him from head to toe, "unlike you," mariin kong sabi. Kita kong umangat ang kanyang kaliwang kilay. Tinawid nito ang distansya sa pagitan namin at hinawakan ako sa braso. "Siguraduhin mo lang because once I found out that you are lying, malilintikan ka sa akin. Got it?" Binitawan niya ako nang pabalang kaya 'di sinadyang napisil niya nang mariin ang braso ko na ikinangiwi ko. Pinigilan ko na huwag umiyak dahil sa mga pinagsasabi niya. I won't give him the satisfaction. Kinagat ko nang mariin ang aking mga labi nang maramdaman ang pag-iinit ng aking mga mata. Hindi ako iiyak. Not in front of him. "Leave," he coldly said and sat on the swivel chair. Mabilis akong lumabas sa impyernong iyon habang hawak ang braso. Do'n na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang aking mga labi dulot ng pag-iyak. Why is he so f*****g ruthless? Sobrang kabaliktaran ng kanyang ama. Mabilis kong tinungo ang banyo at kaagad pumasok sa isang cubicle. Itinaas ko ang aking sleeves at kita kong namumula ang parte na pinisil niya. Muling tumulo ang aking luha. Kung si Sir Javier ang boss ko, hindi sana ako makakaranas nang ganito. Iniyak ko lahat ng hinanakit ko para kay Jamie. Sobrang sikip ng aking dibdib. Wala akong pake kung hinahanap niya na ako o kung ano man. I just want to let the pain all out. Grabe, paano niya masikmurang magsabi ng mga gano'n? Hindi ba siya nakokonsensya? Hindi niya ba naiisip kung ano ang magiging epekto ng mga salita niya? Hindi niya ba naiisip na may masasaktan siyang tao? Mabilis akong lumabas nang gumaan na ang aking pakiramdam at nagtungo sa sink. I washed my face and looked at myself in the mirror. My nose and eyes are all red. Shocks, my face is such a mess. Inayos ko muna ang aking sarili bago tuluyang lumabas sa banyo. Pagkaupong-pagkaupo ko palang ay tumunog na kaagad ang telecom. Agad ko naman iyong sinagot. "Hello! Nathalie Diaz Cruz from JW Corporation. How may I help you?" Ilang segundong blangko ang kabilang linya na ikinakunot ng aking noo. Ano naman kayang trip nitong caller? Magsasalita na sana ako nang magsalita ang nasa kabilang linya, "Call the head of the finance department and tell him to bring the files needed for the presentation tomorrow." Napalunok ako nang marinig ang boses niya sa kabilang linya. What if he talks badly about me again? What if bubulyawan niya ako? Pero masasanay rin ako. I can't leave this job. Malaki-laki ang sweldo, eh. I love the environment no'ng si Sir Javier pa ang namamahala. Ngayon kasi, demonyo na, eh. But his horns won't make me leave this job. "Copy, sir. Anything else?" Hinintay ko na muli siyang magsalita. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. "Transfer your things inside my office. From now on, you will be my personal assistant. Understand?" Magsasalita na sana ako nang bigla niyang ibinaba ang telepono. What the f**k? ----- Hello! Highly appreciated po ang votes and comments. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD