Chapter 31 "MARCH 26 ang birthday mo and you're three years older than me. I know na may tatlo kang kapatid ta's puro kayo lalaki. Ikaw, Si Jester, Jaycee at Jackson. Walang babae sa inyo! Sabi pa ni Miss Wyette noon, ang kulit niyo raw sobra! Parati niyong pinapasakit ang ulo niya! Babaero ka rin," mahabang wika ko. Ewan kung anong trip namin ngayon. We just checked kung ano ang mga bagay na alam namin sa isa't isa. It's been two weeks at kahit saan lang kami gumagala. Kapag kumakain naman kami, do'n talaga sa malayo kung may malapit naman. Ani pa ni Jamie, he wants to tour me around Switzerland. 'Di na lang ako nagreklamo pa. Kakagaling lang namin sa Montreux at talagang sobrang layo! We travelled by train pero worth it naman. Napakamot sa batok si Jamie nang marinig ang sinabi ko. B