Chapter 21 Marcus's PoV ISINUGOD namin si Mamita sa pinakamalapit na hospital sa Batangas. Nasa labas ako ng hospital room at palakad-lakad. Inatake ito sa puso dahil sa ginawa kong pagsagot dito. At tama lamang ang ginawa kong iyon para maipagtanggol ko ang babaeng mahal ko sa masasakit na salita ni Mamita rito. Dumating si Jasmine at kaagad akong nilapitan. "Kasalanan mo ito, Marcus." Paninisi nito sa akin. Hindi ko siya kinibo dahil ayoko na magtalo na naman kaming dalawa. Sumilip ito sa may bintana ng hospital room ni Mamita. "Mabuti na lamang at mabilis siyang naidala rito. Hindi mo ba alam na bawal ma-stress si Mamita," dagdag pa nito. "Kung hindi mo sana ipinahtanggol si Yna kanina, e, hindi na sana aabot sa ganito ang lahat." "Enough, Jas. Don't play innocent sa nangyari. Kung