Chapter 19 Marcus's PoV PALIHIM kong pinagmamasdan si Yna habang kausap nito sina Brye at Kuya Lance. Masaya si Yna habang kasama ang mga ito. Gusto ko itong kausapin at pabalikin sa trabaho. Namimis ko na si Yna at mga kalokohan nito. Ipinagtanggol ko siya kanina kay Mamita nang magkausap kaming dalawa. Sinabi ko na tauhan ko siya rati at lumipat na ng trabaho dahil sa akin. Hindi nagustuhan ni Mamita na ipagtanggol ko si Yna dahil mababa ang tingin ni Mamita rito. Iyon din ang tingin nito kay Kuya Lance at kay Mama noon. Pinili kong intindihin ito dahil matanda na ito pero hindi ako maaring manahimik na lamang at balewalain ang sinasabi nito lalo na't kaharap ako at sa taong lihim na minamahal ko. "Fck!" Malakas kong sigaw nang matamaan ako ng bola ng volleyball. Tumama iyon sa ilon