Inis akong lumabas ng mall, pakinig ko ang pagtawag ni Daevon sa aking likuran ngunit hindi ko iyon pinansin. Mabilis akong pumara ng sasakyan at agad na sumakay nang tumigil iyon. Isinara ko agad ito bago pa man ako maabutan ni Daevon. Sinabi ko naman sa driver ang address ng building na nilulugaran ng condo nina Cassandra. "Honey!" malakas ngunit nanunuyo niyang tawag. Tinarayan ko lang naman siya ng tingin. Hindi agad pinaandar ni Manong sasakyan kaya naman binalingan ko siya ng tingin. Nanantya ang tingin niya bago hilaw na ngumiti sa akin. "Maam baka po kasi masabitan siya ng sasakyan ko" dahilan nito. Napabuga ako ng hininga at tiningnan si Daevon na patuloy ang pagkatok sa bintana ng sasakyan. "Hey talk to me please." namumungay niyang sambit. Hindi naman soundproof ang sasa