Para akong mabubuwal sa aking tayo nang makalabas ako ng restaurant na pinagkainan namin kagabi. No CCTV.. Worst thing.. wala na rin ang waiter. The manager said na biglaang nagresign ang waiter kagabi at ang waiter din ang nag-asikaso sa amin nang mawalan kami ng malay. Akala nila ay pareho kaming nalasing ng panahon na iyon kaya hinayaan niya itong asikasuhin kami. "No..no.." naiiling kong sambit habang nanghihinang naglakad papunta sa kotse ko. Napasabunot ako sa sariling buhok nang tuluyan na akong makasakay. Idiniin ko ang aking ulo sa manubela at hinayaang tumulo ang luha ko. Napapikit ako nang nakaramdam ako ng hilo duon ko lang naalala na hindi pa ako kumakain ng umagahan pero sa halip na pagtuunan iyon ng pansin ay kinuha ko nalang ang aking telepono at sinubukan ulit tawaga