Ashley Alzalde Nagising ako na masakit ang ulo, pakiramdam ko nahihilo ako. Kama? Nasa kama ako? Mariin kong ipinikit ang mga mata pilit na inaalala ang mga nangyari kanina lang. 'Stacy'... at kasabay ng pagsambit ko ng pangalan niya ay ang sakit na tumama sa puso ko, bakit niya nagawa sa 'kin 'to? Natigilan ako saka dali-daling nagpunas ng luha nang makarinig ng pagtikhim, napalingon ako at tumambad sa harapan ko si Lance. Nabigla man ako ay di ko pinahalata, "Lance.." ang tanging lumabas sa bibig ko. Tumayo 'to at humakbang palapit sa kinaroroonan ko, "dyan ka lang!" utos ko dito habang nagmamadaling umalis sa kama. Nahawakan niya ang kamay ko kaya madali niya akong nahila, nakatayo siya sa gilid ng kama habang ako ay nakaluhod pa rin sa kama at nakaharap sa kanya, hawak-hawak niy