Chapter 1 Rules

2607 Words
Ashley Alzalde Sa bilyon-bilyong tao sa mundo gaano kalaki ang tsansang pagtagpuin kayo ng taong itinadhana para sa 'yo? Paano mo malalaman na ito talaga ang itinadhana sa 'yo? Aba'y ewan ko! Basta ang alam ko, trial and error lang 'to. Excuse me, hindi deserve ng panget na Lance na 'yon ang ganda ko. Ako si Ashley Alzalde, ang mahaderang ubod ng ganda at nag-uumapaw sa kompyansa. Matapos kong maiayos ang mga kagamitan sa sariling kwarto ay pabagsak akong naupo sa sofa, kakalipat ko lang sa bahay na 'to at syempre tulad ng ibang kakalipat lang-- ako ay naninibago pa. Napatingin ako sa kabuuan ng bahay na may malawak na sala, mamahaling mga kagamitan, mga desenyong hango sa makabagong panlasa at pagbibigay diin sa kung anong estado ng buhay mayroon ang taong nakatira. Di ko pa nalibot ang kabuuan ngunit batid kong malawak ito, sa lawak ay di ko alam kung may ilang silid ang bahay nito. Napakaganda nitong pagmasdan dahil na rin siguro sa tanawin lalo pa't malinis itong tingnan dahil na rin sa puti nitong pintura. Naagaw ng puting kurtina ang aking atensyon nang bahagya itong liparin ng hangin. Tumayo ako upang sana'y isara ang pintong gawa sa salamin pero agad namang napahinto nang mapagtanto na ang nasa kabila pala'y mas maganda pa. Nagbibigay daan ito papunta sa swimming pool, muli akong napatingin sa loob. "Napakayaman nga ng napangasawa ko. Well, what do I expect from a billionaire's first grandson?" Napaupo ako, saka biglang sumagi sa isip ko kung paano naging ganito ang estado ng buhay ko. Para akong hinihigop pabalik sa araw ng pag-uusap namin ni Lance. "Marry me." labas sa ilong nitong turan habang nasa harap namin si Don Alberto na siya ring kumupkop sa akin. "Anong sabi mo?" tila nabibingi at taas kilay kong turan. "I said, marry me." malamig at mariin nitong turan. "Di nga tayo close, tapos pasasakal ako sayo? Ano ka, sineswerte?" tinaasan ko 'to ng kilay saka nginiwian. Nanggigigil naman itong tumayo saka hinila ako palabas, palayo sa lolo niya. Alam kong napipilitan lamang ito dahil aalisan siya ng mana. "Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?" sumbat nito "Nagkakaintindihan-- ano yun, M.U? Baka mukhang unggoy kamo?" Tinabig ko ang kamay nito. "Kung may mutual understanding man sa ating dalawa Lance, yun ay kapwa natin ayaw ang isa't-isa. Eh, paladesisyon ka pala." Napahalukipkip ako, ano bang pakialam ko sa responsibilidad niya sa pamilya niya. "Nakalimutan mo na ba talaga? Kung sa bagay, lasing ka kasi no'n." nakangisi nitong turan, bigla akong kinutuban ng masama. Nakaka-curious naman. "Anong pinagsasasabi mo-- teka bina-blackmail mo ba ako?" sinundan ko ng tingin ang kamay nito nang dukutin niya sa bulsa ang cellphone. "Kahit pa makita mo 'to?" pinanlakihan ako ng mata nang makita ang video kung saan ako nagwawala sa isang bar. My gosh, nakakasira ng image! "Madali lang naman akong kausap, kung ayaw mo, pipindutin ko lang 'to." Agad ko siyang pinigilan saka matamis na ngumiti. "Lance naman, madadaan naman natin 'to sa mabuting usapan." Nagtitimpi kong turan dahil ang totoo ay gustong-gusto ko na 'tong upakan. Taranta akong napakapit sa braso nito nang akma niya akong tatalikuran. "O, ayaw mo diba?" aniya, habang pilit na inaalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya, sa halip na bumitiw ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Lance, naman! Mag-usap munaa tayo ha, sige na," sabi ko sa pinakamalambing kong tono. Hindi siya sumagot, sa halip ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Kaya niyakap ko 'to mula sa likuran kahit naririndi ako. "Lance, papakasal na ako sa 'yo-- maawa ka!" nagtitimpi ko pa ring turan. "Ayaw mo 'di ba? And also, I don't want to force a lady kasi gentleman ako," mapanuya nitong turan. Patawarin ako ng mga mararangal kong ninuno, ng panginoon, ng mga anito, ng sanlibong Anghel at mga Santo pero mukhang makakapatay ako ng bilyonaryo. "Gusto ko kaya! Sino ba naman ang ayaw magpasakal-- ah este magpakasal sa 'yo, sa gwapo mong 'yan daig pa namin ang nanalo sa loto. Ikaw kasi--" di ako makapaniwalang nasabi ko ang mga nakakadiring salitang yun. Bahala na, basta para sa karangalan. "Anong ako kasi?" natigil 'to sa paglalakad. "Dapat kasi kapag nagyaya ka ng kasal-- dapat napi-feel." Syempre, nagsisinungaling ako. Marahas nitong inalis ang nakapulupot kong kamay sa bewang niya at humarap sa akin. "And why should I do that?" Kuno't noong tanong nito. "Kasi naroon si Lolo sa harap natin at dapat mapaniwala natin siya, 'di ba?" Liar level-pro. Hindi ito sumagot sa halip ay hinila ako pabalik sa silid kung saan namin iniwan ang Don. Lance tanga level-- infinite. Makagawa nga ng YouTube video at pamamagatan ko ng, How to fool a Billionaire. "I want to ask her hand if you would allow me," nakayukong turan ni Lance sa Lolo niya. "That's good, Apo." nakangiting sagot ng Don kay Lance. "Papakasalan ko siya pero may hihilingin ako," biglang sabi nito. Sarap lang batukan eh, sabi ng ayos-ayusin. "What is it, Apo?" tanong naman ng Don. "I want this wedding to be private, I don't want anybody out of our family circle to know about this wedding." seryoso si Lance sa bawat salitang binibitawan niya. Bahagyang tumawa ang Don bago nagsalita. "Hindi ako pumapayag," sagot ng huli, sige patigasan kayo ng ulo. "I have my reasons," nakakaamoy ako ng kasinungalingan. "And what are those?" tanong ng Don. "I want to protect her from controversies of arrange marriage," napangiwi ako. I automatically flash a fake smile nang tapunan ako ng tingin ni Don Alberto. "Okay, pumapayag ako, pero bukas na bukas din ay magpapakasal na kayo." Nagulat ako sa sinabi nito-- bukas agad? Pagtingin ko kay Lance ay naninigas na ito. "Follow me." Lance commanded, bago pa man ako makapagsalita ay nakalabas na siya ng pinto kaya hinabol ko siya. Nakita kong niluluwagan nito ang pagkakabuhol ng necktie saka pumasok sa isang silid. "Lance, honeymoon agad?!" nakapamewang itong humarap sa akin-- whoah death glare. Di ito umimik, sa halip ay hinila nito ang kamay ko papasok ng kwarto, ini-lock ang pinto at itinulak ako paupo sa kama. Niyakap ko ang sarili at sumiksik sa headboard. Pinanlakihan ako ng mata nang sumampa si Lance sa kama at gumapang papunta sa akin. "Di pa ako ready!" nag-aalangan kong turan, nakita ko kung papano siya ngumisi. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung maingay," bulong nito sakin na ikinatahimik ko. Napalunok ako ng laway. "Maingay ako sa kama Lance." Pabulong kong turan saka ngumiti na di abot ang mata. "Talaga? Iba naman ang maingay sa kama at maingay lang.-- kasi yung maingay sa kama, gustong-gusto ko yun." bulong niya. "Ibang ingay ang ginagawa ko," bulong ko rin. "Bakit, anong ingay ba ang ginagawa mo?" tanong nito sa pabulong na paraan. "Iba't-ibang ingay ng hayop," bulong ko. "Napakatalented pala ng mapapangasawa ko, binabayo na'y nag-aala hayop pa. Alin ba sa mga tunog na yun Ashley, sa ibon ba, pusa o baka nama'y sa aso-- kasi pakiramdam ko'y mapapa awoo ka sa sarap kapag ako na ang pumatong sa 'yo." Nanindig ang balahibo ko sa mga sinabi nito kaya hinampas ko siya ng unan. "Manyak ka!" Gigil kong turan habang pinaghahampas ito. Napasigaw ako nang hinila ako nito sa paa palapit sa kanya, tumigil ata ako sa paghinga nang hinawakan nito ang bewang ko at binuhat ako ng walang kahirap-hirap saka pinaupo sa mesa. Isang dangkal na lang ang agwat ng mga mukha namin nang magkakatitigan kami, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Binuksan niya ang drawer at may kinuhang puting folder. "Read." malamig nitong turan na binalewala ko "Tinatamad ako." naiinis kong turan. "I said read!" bulyaw nito, nanggigigil man ay pinilit kong ngumiti. Masyado pang maaga para imbyernahin ko 'to. Hindi bale kapag kasal na kami'y gagawin kong impyerno ang buhay mo Lance Monteverde! Hindi ko namalayan na ang tawa na dapat sana'y nasa isip ko lang ay naitawa ko ng malakas. Agad akong napatakip ng bibig nang makitang kumunot ang noo nito. "What's wrong?" tanong nito. "There's nothing wrong Lance, there is right!" sagot ko saka hinablot ang folder. "Okay, so these were the rules and I'm gonna read it now." sabi ko saka nagsimulang magbasa. Rule #1 You are not allowed to touch any of those personal things of mine, including ME. "Ayokong pinapakialaman ang mga bagay na AKIN." Malamig ang pagkakasabi nito habang binibigyang diin ang bawat salita lalo na ang huli. #2 Don't interfere with my personal life. "Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ang buhay ko," pagsisingit nito. "Teka lang, ano ka ba dito Lance, translator?" pambabara ko. "Just keep reading, stupid!" untag nito. "Wow ha, kung maka-stupid ka eh translator ka lang naman pala sa kwentong 'to, kala mo." Hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang tinapunan ako nito ng masamang tingin. #3 Don't leave without permission. Pinanlakihan ako ng mata sa nabasa, napaka-unfair naman ata. "Hindi naman ata 'to patas! Wala akong karapatang pakialaman ang buhay mo, tapos buhay ko pakikialaman mo?!" pagrereklamo ko. "Obligasyon kita, at kapag may nangyari sayong masama-- kasalanan ko pa!" aniya. "Pwede ba, mamaya ka na magreklamo, basahin mo na lang at nang matapos na!" singhal nito sakin. Inirapan ko lang 'to saka nagbasa ulit. #4 Do everything I want you to do. "Noes are not allowed, Ashley." Cold niyang turan. "So kapag sinabi mong magpapakamatay ako-- magpapakamatay rin ako?" bulalas ko saka ibinagsak ang folder sa mesa. "Don't worry, wala sa plano ko ang patayin ka," nakangisi nitong turan. "Read!" sabi nito saka kinuha ang folder at ibinigay sa akin. #5 Do your wifely duties. Napaubo ako sa nabasa ko, "Ah, eh yung--" he cut me off. "Anong yun, Ashley?" Alam ko kung ano ang ipinapahiwatig ng nga ngising yun. "What?" tanong nito habang pumupungay ang mga mata saka inilalapit ang mukha sakin, itinukod nito ang mga kamay sa magkabilaang gilid ng upuan, sapat na ang isang dangkal na agwat ng mukha namin para manuyo ang lalamunan ko. "Do you mean, iyong ginagawa ng mag-asawa sa kama? Don't worry, hindi yun ang ibig sabihin ng nakasulat d'yan, but you've given me an idea-- pwede naman nating gawin yun anytime, anywhere. Since kakasabi mo lang kaninang maingay ka sa kama." He said then he smirked, out of frustration ay pinagpapapalo ko na to ng folder. "Pervert!" bulyaw ko dito habang pinapalo pa rin siya. "Enough!" sigaw nito saka hinablot ang folder sa akin. "I'm not attracted to you so don't worry!" he said in his sarcastic tone. 'Ouch!' I said at the back of my mind. Hinablot ko ulit ang folder sa kanya saka nagsimulang magbasa. #6 The moment you leave (in case I allow you) you should be back by 6 pm sharp. "What, 'di ba pwedeng seven?" pagtatawad ko. "Kelan pa naging seven ang six?!" masungit na sagot nito. Di ko na 'to pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa. #7 Don't lie. "White lies?" pananadya ko. "That's still a lie, stupid!" pang-iinsulto nito sa akin. "Kung maka-stupid ka, kanina ka pa nakaka 3 points kana sa akin ah!" galit kong sabi habang dinuduro siya. "Will you please keep that mouth shut and continue reading that f*ck'n rules!" he said, I know sukdulan na ang pagkainis nito. "Okay, I'm ganna f*ck'n continue f*ck'n reading this f*ck'n rules yow f*ck'n Sir!" Agad ko namang isiningit ang pagbabasa ng rule #8 kaya di na to nakapalag. #8 Don't say bad words. "Oh, but I just did, hehe." nakita ko kung papano siya napakagat ng labi, halatang naiinis na #9 Act like we're okay in front of our family #10 Don't go near me every time we're outside. #11 Don't fall for me, I will never be there to catch you. Napakagat labi ako nang mabasa yun, bakit parang ayaw ko ang ideyang yun. #12 ________. Napakunot ang noo ko nang makitang blangko ang #12. Nahalata niya sigurong nagtataka ako sa part na yun kaya nagsalita ito. "Soon, I'll add a new rule." sabi nito. "And in case you break one of these rules, you'll be punished." My eyes widened. "This is punishable?" di makapinawala kong turan."--what would be the punishment?" pagtatanong ko. "Depende kung ano ang gusto ko, one thing I can assure you, once you've tried those you will never want that punishment again," he coldly said. "This is madness Lance!" bulalas ko. "Indeed." ang tanging sagot nito. Napabuntong hininga na lang ako, mataman niya akong tinitigan bago siya nagsalita. "Bukas ang kasal natin, kaya bukas ang katuparan niyan, hindi ko kailangan ang pirma mo dahil 'yan ay batas ko at susundin mo," tiim-bagang sabi nito saka ako tinalikuran. "Why are you just sitting there?" napabalik lamang ako sa hinaharap nang marinig ang boses nito. Di ko na 'to pinansin sa halip ay isinandal ko na lang ang ulo sa malambot na sofa. "Gutom ako," aniya. "Edi kumain ka." Walang gana kong sagot saka umayos ng higa sa sofa. "Ipagluto mo 'ko," utos nito saka umupo sa sofa na nasa harap ko. "Asawa mo ako dito-- hindi katulong!" Sagot ko saka kinuha ang cellphone at naglaro. "Wala tayong katulong," labas sa ilong nitong turan. "Ba't mo ba kasi pinaalis," reklamo ko. "Aanhin ko ang katulong, kung may asawa naman akong mag-aalaga sa akin." patuloy pa rin 'to sa pagbabasa ng magazine. "Iba ang asawa, iba ang katulong, Lance!" "Don't forget about the rules, Ashley." Paalala nito. "Tsk!" ang tanging nasabi ko, tumayo ako at ibinato sa kanya ang unan, tinungo ko na ang kusina. Habang nagluluto ay marami akong naiisip, marami akong pwedeng gawin sa pagkain niya pero kailangan ko munang ipagpaliban. Sasarapan ko muna ang mga lulutuin ko ngayon dahil sigurado akong pinagdududahan niya pa ako ngayon at may tendency na ipapatikim niya muna sa akin bago niya kakainin, pag nagkataon-- ako ang kawawa. Once na nakuha ko na ang tiwala niya ay sisiguraduhin kong mamahalin niya ang palikuran higit sa ano pa man. Napangisi ako nang makabuo nang isang maganda at napakasamang plano. Tumirik pa nga aking mga mata at napadipa sa ere. "Ahahahaha" nai-imagine kong dumilim ang paligid at kumulog ng napakalakas saka may kidlat nang tumawa ako. Special effects yun. "Tss! You're laughing again, Stupid Witch." mapang-insultong turan nito saka kumuha ng inumin sa ref. "At least I'm laughing unlike you, laging nakasimangot kaya ang panget-panget mo." pambubuska ko. "Panget nga crush mo naman." Puno ng kompyansa at pagyayabang nito habang dala-dala ang isang tasang kape. "Crush kita? Oh em, nakakasakit ka ng tiyan!" ang tanging sagot ko, grabe nakakatawa talaga, di ko naman alam kung bakit ako natatawa. "Crazy wicked witch." Bulong nito ngunit sapat lang para madinig ko. "Oh ayan na, kumain ka na po kamahalan." I said in a sarcastic way. Hindi ko alam pero bigla na lang nag-iba ang mukha nito. "O 'wag mo sabihing natatae ka, ba't ganyan 'yang mukha mo?!" singhal ko dito. "Alam kong may plano ka, alam kong may nilagay ka dito na ikasasama ko!" pahayag nito. "Wag kang mamintang-- pinaghirapan ko 'yan!" sabi ko dito habang dinuduro siya. Nakita kong ngumisi 'to. "Sige kung totoo nga, ikaw munang kumain," sabi nito na agad ko namang sinunod, dumukot ako ng isang kutsara saka isinubo at kinain. Ibinigay ko sa kanya para siya naman ang tumikim. "Siguraduhin mo lang, Witch." Parang di pa 'to naniniwala at pinapaalala pa nito ang rules niya. "Oo nga, tikman mo kasi!" sagot ko. Tinitigan muna nito ang pagkain na para bang pinagdududahan niya talaga ako. "Kainin na kasi," sabi ko. Sumubo 'to tapos maya-maya lang. "Masarap nga!" bulalas nito. Napangiti ako. 'Sige magpakasarap ka dahil sa mga susunod na araw mamimilipit ka na sa sakit, panget.' mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD