Ashley Alzalde Ano bang problema ng lalaking 'to, kung di ngunguso ay laging nakakunot ang noo. Kulang na lang ay pagpalitin na ang mukha niya at ang screen ng laptop. Binubogbog niya pa sa kakatipa ang keyboard. Baliw na ata 'to. Maya't mayang umiirap at para bang may binubulong at nagmamaktol pa. Padabog nitong isinara ang laptop. Tumayo. Kinuha ang remote. Salubong ang kilay saka pasalampak na naupo sa sofa. Di ko talaga mawari kung anong ikinabubusangot nito. Ini-on niya ang TV. Si Andrei 'yon ah, agad nitong inilipat ang channel at tumambad sa harap namin ang advertisement ni Andrei ulit. Naiwan akong nakatunganga sa itim na screen ng TV, ini-off na pala ito ni Lance. Ano bang problema niya. Napalingon ako kay Lance nang ibato nito sa sofa ang remote control. "Masakit bang t'yan