Laurice "Dalian niyo, ano ba, ang tagal p*ny*ta!" ang kupad-kupad kumilos a, nabibwiset na ako. "Erica, ano ba? tumulong ka nga." isa pa tong babaeng to, lagi na lang nakaupo. "Andami-dami niyo na riyan, p*st* naman o, para sapatos lang!" bulyaw nito pabalik. "Hoi babae ka, tandaan mo ikaw ang makikinabang dito hindi ako!" singhal ko dito. "Aba, kung hindi ka naman pala makikinabang diyan e ba't nag-aaksaya ka pa ng panahon sa Ashley'ng yan!" nagtataas na to ng boses. "Wala ka ng pakialam." napakapakialamera ng babaeng to. "Laurice, tama na ba to?" pagtatanong ng isa sa mga modelo habang hawak-hawak ang sapatos ni Ashley. "Basta siguraduhin mong mababali yan kapag naglakad na siya sa runway." paninigurado ko. "P-pero papano kapag napilayan siya?" napamura ako sa sinabi nito, tanga