Ashley Alzalde Bahagya kong tinapik ang pisngi para lang mawala ang mga pangyayari kanina, dinampot ko na ang bag para makaalis na agency at makauwi na ng bahay, dadaan pa pala ako sa shop para makabili ng pagkain ni akhi. Napalingon ako sa grupo ng mga modelong nag-uusap dahil narinig ko ang pangalan ko, siguro nga'y napansin nila ako dahil sinasadya nilang lakasan ang mga boses nila habang nag-uusap. "Akala mo kung sino!" rinig kong sabi ni Erica dun sa iba pa. "Baka may pinanghahawakan." maarteng sabi naman ni Cynthia. "Meron man o wala, babagsak parin yan." makabuluhang sabi ni Laurice. Hahakbang na sana ako paalis nang tawagin ako ni Drake, "Ashley wait.." nilinhon ko na to. "Hatid kita?" alok ni Drake. "Ha?" di ko ba talaga narinig ang tanong niya o di ko lang talaga alam kun