Greg Adamson Santillan "Ang swerte ko pala dahil ako ang tinawagan mo, bakit nga ba hindi si Stacy?" nakangiting sabi ko kay Ashley, nagtataka talaga ako kung bakit bigla-bigla na lang na nagpapasama siya sakin. "Baka kasi ibenta niya nanaman ako kay Lance." sagot nito na ikinatawa ko. "Grabe ka naman, ibenta talaga?" tatawatawang sabi ko, she really never fails to amaze me. "Ginawa niya na yan dati, noong lumayas ako kay Lance, hinayaan niya lang na kunin ako." pagmamaktol nito. "Aray!" napahawak to sa pisngi nang bigla ko na lang siyang kurutin. "You're still my Alona, you've never changed." napabuntong-hininga ako sa sinabi ko. Ba't ba lagi kong pinapaalala ang kahapon? "Don't bring back the past it will not make the story any better." sabi nito sakin. "But for me, it does." sag