HAWAK ni CK ang résumé ni Aiko Suzuki, binabasa niya iyon at walang experience ang dalaga. Mataas nga ang degree nito pero hindi naman related sa trabahong inapalyan nito. Sa edad nitong 25-years old hindi naranasan magtrabaho. Paano niya ito tatanggapin baka puro kapalpakan lang ang gagawin nito dito sa kumpanya niya. Isa lang ang pwedeng maging trabaho nito sa kaniya---PA at imposible na pumayag ito sa posisyon na yon. Nang bumukas ang pintuan at pumasok ang secretary niya alam na niyang naroon si Ms. Aiko Suzuki… pero teka kaano-ano kaya ito ni Akiko Suzuki? “Big Boss, papasukin ko na ba si Ms. Suzuki?” “Yeah, gusto ko siyang kausapin.” “Sure, Bigg Boss.” Bago siya iniwan ng kaniyang secretary at hindi kaila sa mga mata niya ang lihim nitong ngiti. Nang muling bumukas ang pinto ay