MATAPOS na hatid ni NK, sa accommodation si Hannah Reese ay nagtungo siya sa paboritong bar. Tanging mga tauhan ang kasama niya kaya sa counter bar siya umupo. Habang kausap ang bartender ay umiinom siya. Mali ba ang kaniyang approach sa dalaga kaya na galit ito sa kaniya? Hindi niya lubos maisip bakit ayaw sa offer niya at nais niyang mangyari. Samantalang pakakasalan naman niya pero tinanggihan pa rin siya. Kung ibang babae yon sigurado excited sa nalalapit nilang kasal. “Malaki ba ang problema mo kaya bigla mong naisipan pumunta dito?” lumingon si NK, nakatayo sa tabi niya ang isang babae. “Huwag mo akong tanungin sa problema ko. Kung nais mong uminom ay umupo ka at kung ayaw naman ay umalis ka.” pa suplado niyang sagot sa babae. “Masyado kang high blood,” saka agad na nag-order