ANO kaya ang magiging reaksyon ng abuelo ni Micah, sa dala niyang malaking sorpresa? Habang naghihintay sa pagbabalik ni Rio, nakatanaw lang sa kadiliman ng gabi si Micah. Sa main gate, “Mr. Rio, anong ibig sabihin nito?” Biglang tanong ng isa sa mga lalaking humarang sa kanila. Tauhan ang mga ito ng ama at ina ni Micah. “Mga kasama ni Madam Airah, ang lahat ng mga lulusob dito. Ngayon bilisan nyong mag desisyon, dahil damay damay na ito.” “Hindi ko maintindihan, halika doon tayo at ipaliwanag mo sa akin gamit ang maikling salita.” wika ni Saki. Lumayo sila ng nasa sampung metro mula sa mga kasamahan ni Saki. “Bro, makinig ka, mga kapwa natin sila Filipino. At pinuno ng malaking organization ang hostage na tino-torture ng mga tauhan ni Oyabun. Hindi ko lang alam kung anong pangalan ng