INUTUSAN ni Micah, si Rio, mag email, sa kaniyang abuelo. Sabihin dito lahat ng nalalaman tungkol sa nangyari sa kaniya. At pati ang paulit-ulit pagtatangka sa buhay nito na kagagawan ng mismong kanang kamay. “Madam Airah, paano kung hindi maniwala ang iyong lolo?” tanong ni Rio. “Wala na tayong magagawa basta siguraduhin mo hindi niya tayo ma-trace. Ahm… Rio, huwag mo na akong tawagin sa ganyan. Micha ang itawag mo sa akin.” “Okay, Ma’am Micah.” “Thank you, kailan pa pala si Niko Kairo, at mga magulang ko sa mansion ni Liam?” “Nang araw na mahuli ka at dinala sa kulungan. Sinundo ni Mr. Levi, sa mansion ng parents nila si NK. Pagkatapos isinama sa mansyon ng ama nito. At nagustuhan daw na doon tumira. Kaya tinawagan ako ni Mr. Levi, sinabing habang nasa kulungan ka kami ang maging b