ABALA sa ginagawa si Aiko nang tawagin siya ng chairman. Tumayo at sandaling iniwan ang tablet saka lumapit sa desk nito. “Chairman, ano po ang ipapagawa mo sa akin?” mahinahon tanong ni Aiko. “Wala akong ipapagawa sayo lunch na at parang wala kang planong kumain?” “Ahm… mag-order po ba ako ng mga pagkain para sa lunch mo?” “No, sa labas tayo kakain kaya kunin mo ang iyong mga gamit. Dahil pagkatapos ng lunch meron tayong pupuntahan.” “Sure chairman,” saka nagmamadaling bumalik sa kaniyang desk at dinampot ang bag saka nilagay sa katawan. Dala ang tablet ay bumalik siya sa desk ng chairman. Agad din naman itong tumayo ng makita siya. “Let’s go,” at nag pauna ng naglakad si CK palabas kasunod si Aiko. Pagdating nila sa elevator mabilis na pumasok si Aiko. Baka iwanan siya ng chairman.