AGAW kamalayan si Aiko nang may kumatok sa pinto at ang katok ay sunod sunod na rin kaya napilitan bumangon at nagtungo sa pintuan. Binuksan ang lock at hinila ang pinto. Nakatayo si Chairman sa labas ng at salubong ang kilay nito. Nakatingin din sa kabuuan niya kaya mabilis na yumuko at tiningnan ang katawan. Saka agad na tumakbo papasok sa loob ng banyo. Sa kinatatayuan ni CK, naiinis siya kay Aiko, anong plano ng babaeng ito manatili sa kwarto at hayaan siyang mag-isa? Kaya lumapit sa pinto ng banyo at kinatok ito. “Late na tayo sa lunch, pakibilisan mo!” Sigaw ni CK, saka nagtungo sa sofa at doon umupo kapag hindi niya mapigilan ang sarili baka makapag bitaw ng maanghang na salita. Sigurado iiyak ito kapag napagalitan niya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas ng banyo si Aiko,