Seki Schoen Fustante's POV NANG sumunod na araw ay late na akong nagising. It was an another morning again. Marahan akong umupo sa kama nang maramdaman ko ang pagpasok ng init ng araw sa nakabukas na bintana sa kwarto ko. I stretched my arms and stood up. Today is Saturday, kaya hindi ko kailangan magising sa boses ni Mom. Tuwing weekdays ay madalas akong katukin ni Mommy sa pintuan para gisingin at pumasok sa school. Napahawak ako sa t'yan ko na kumukulo. Wala pa naman si Mommy. Tumayo na ko upang bumaba sa sala, habang pababa ako, naalala ko na marunong pala magluto si Sere. Pagdating ko sa kusina, naabutan kong nakaupo na si Daphnise sa tapat ng dinning table. Nakataas ang mga paa sa inuupuan at prenteng kumakain. Nakita ko si Sere na nakatalikod sa kitchen stove at may hinahalo