Chapter 28 3rd Person's POV Sinuklay ni Keehan ang buhok matapos ang conference. Nilapitan ng mga reporter ang TK at may mga staff na nagbigay ng bulaklak ngunit mukhang wala sa mga ito ang nakapansin sa kaniya. Sanay na siya doon since madalas iyon nangyayari. Paalis si Keehan nang may mag-abot sa kaniya ng bulaklak galing sa mga fans. Napatigil si Keehan matapos makita si Bazile— naka-school uniform pa ito kasama sina Marcus na agad siya binati. May mga fans na napatingin dahil sa lalaki na agaw pansin naman talaga ang kagwapuhan. Natawa sina Grim dahil sa idea na inagawan pa sila ng spotlight ng dalawa. "Pasensya na sa tiyura ko. Nagmadali kami pagpunta—" Nagulat si Bazile matapos siya natatawang niyakap ni Keehan at nagpasalamat. "Wait! Nagbigay din naman kami ng bulaklak. B