Chapter 33 3rd Person's POV "Paanong nadawit sa gulong ito ang pamilya ko. Bakit kami pinaampon ng mga magulang namin?" tanong ni Keehan. Bumaba ang tingin ng ginang. Sinabing walang pagpipilian ang lalaki at kapatid niya. "Noong nagawa ang capsule tinago iyon ni Alfred. Kahit sinabing pagkakamali iyon hindi iyon ang tipo ng gamot na dapat i-surrender kahit sa gobyerno. Ngunit iyong tatlo na pinagkatiwalaan ni Alfred— isa doon sinabi ang about sa gamot. Tinapon ni Alfred ang unang gawa niya ng gamot na iyon ngunit hindi niya alam na kinuha ng isa sa mga kaibigan niya ang isa sa capsule." "Kinuha siya ng mga yakuza at pilit na pinagtrabaho. Pinatay ang dalawa dahil hindi pumayag ang mga ito na ituro ang formula ng gamot na iyon— ayaw ni Alfred maki-cooperate 'nong una. Walanv choice an