“Ayyy!” Tumilapon ang aking cellphone nang biglang may bumundol sa akin at paglingon ko ay nakita ko ang isang grupo ng mga estudyanteng nagkukulitan sa loob ng bookstore. Bawal nga, di ba? Inirapan ang ko ang nakabundol sa akin ngunit bago pa ako makapag-rap ng sermon ay may isang kamay na humawak sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay upang alisin ang kamay nitong nakahawak sa akin. Gwapo naman sana, tatanga-tanga! “Miss, cellphone n’yo po,” sabi nito. Hinablot ko ang cellphone mula sa kanyang kamay at umalis na hindi nagpasalamat. Kaya lang ay nakunsensya ako bigla. Bumalik ako ngunit hindi ko na siya nakita pa. Hinanap ko siya sa buong bookstore, ngunit hindi ko na talaga siya nakita pa. Give up na sana ako nang mahagilap ko ang kaparehong kulay ng suot niya kanina. Binilisan ko

