Sabay na sana kaming magpagupit ni EJ ngunit biglang may pinuntahan ang kapatid ko kaya nauna na lang ako. Una kong pinuntahan ang suko ko ngunit sarado ang barbershop niya kaya sa Franz na lang ako tumuloy. Wala akong masabi sa sersbisyo ng Franz maliban sa ilang bakla na staff nito na medyo bastos. At dahil hindi pa rin dumating si EJ kahit kanina pa sinabi ng lalaki na papunta na raw ito, naisipan ko na lang na ipapalinis na rin ang aking kuko. Marami na ngang nagsabi sa akin na baka bakla raw ako pero wala akong nakikitang mali sa pagpapalinis ng kuko. Nakakahiya naman yata makipagkamay sa mga pulitiko o ibang tao na marumi ang aking kuko. Habang nililinis ang aking kuko ay nakatuon lang sa messenger ang aking mga mata dahil hinintay ko na muling mag-offline si Anna. Actually, hi

