Dahil kay Jericho, naranasan ko kung ano ang pakiramdam na may love letter, may celebration tuwing monthsary, at may mga long messages pa araw-araw. Kahit nan aka-LDR muna kami dahil bumalik na ako sa pagtatrabaho at siya naman ay nag-focus sa kanyang pag-aaraal, hindi niya ipinaramdam sa akin na malayo kami mula sa isa’t- isa. Ramdamdam pa rin namin ang presensya ng bawat-isa at na-appreciate ko ‘yon ng sobra. “Oy pangiti-ngiti ka na diyan, ah,” sabi ni Lorena nang mapansin niya ang aking pagngiti. “Hays, si Jericho na naman! Ang lakas talaga ng tama mo sa isang iyon!” “Sinabi mo pa,” sagot ko naman bago ko mulin pinagtuunan ng pansin ang ginawa. Noong una ay ayoko sanang bumalik sa EC dahil natakot ako na manumbalik ang lahat sa akin. Isa pa, gusto ko sana ng panibagong workplace n

