CHAPTER 19 - Jericho's POV

3057 Words
JERICHO'S POV Napamura na lang ako dahil si Angela lahat ang nakapatay! Double kill pa nga kaya nagsimula na akong mainis. Ginamit niya lang ako kanina dahil pagkatapos niyang maka-double kill ay bumalik na ito sa mid-lane kung saan nag-push si Chou. Bago pa man ako mainis ng sobra, sumabay na ako sa trip ng ibang player at nag-chat ng, “Nice one baby!” Iyon naman kasi ang uso sa ML kapag magka-duo sa laro. “Ang landi mo, Lancelot!” Sagot ng Angela. Nagtaka ako kung bakit sa akin siya galit eh kanina pa nga siya nilalandi ng ibang players. Iyong Chou nga ay nakailang chat na pero hindi niya sinagot ng gano’n. Imbes na sagutin siya ay hinayaan ko na lang at baka kung ano pa masabi ko. Baka ma-trashtalk ko pa siya. Nag-focus na lang ako sa laro. Pagkatapos kong kumuha ng buff ay kaagad na akong naghanap ng mga kalaban. Pakitang-gilas kumbaga, at nakit ako sila na nasa Lord. Nagsama-sama pa nga ang bobong kalaban kaya kaagad na akong sumugod. Unli dash ba kamo? Kaya lang ay napansin ni Angela ang clash kaya nanlumo ako nang maramdaman kong sasanib siya sa akin. Sa totoo lang ay naiinis ako kapag may Angela sa laro. Napabuntonghininga na lang ako nang tuluyan siyang sumanib sa akin at gaya ng inasahan ko, sa kanya napunta lahat. Parang ako ang support at siya ang core. Punyemas talaga kaya sa kalagitnaan ay gusto kon g mag-quit sa laro. “KS Angela,” reklamo ko sa kanya dahil siya ang naka-savage eh sumanib lang naman siya sa akin. “Ang tanga mo kasi,” ganti niya sa akin. Wow! Ako pa talaga ang tanga? Napamura na lang ako sa lihim habang kumulo ang aking dugo sa support namin. Minabuti kong hindi na lang sumagot sa kanya kaya lang ay muli itong nang-trashtalk sa mga kasama namin. “Angela na nga lang ang alam mo, trashtalker ka pa. Tangina mo!” Minura ko rin siya at sumunod na rin ang ibang mga kasama ko sa laro. Pinagtulungan namin si Angela, at ganun din ang ginawa ng mga kalaban naman. Hindi nagtagal, nag-AFK na nga si Angela. Hindi yata kinaya ang pangta-trashtalk namin sa kanya. Hindi ako dapat makunsensya dahil walang modo naman kasi ang player na iyon pero bakit bigla akong nakunsensya? Pagkatapos ng laro ay lumabas ako ng silid at nagtungo sa may kusina. Iinom sana ako ng tubig pero laking gulat ko ng biglang dumating si Kylie at nakasimangot ito. “Morning,” bati ko sa kanya. “Good morning, ang aga mong gumising, si EJ?” Tanong ng babae. “Tulog pa,” sagot ko sa kanya. “Kanina ka pa ba nagising?” Nakatingin ang babae sa mug na ginamit ko sa pag-inom ng tubig. Inakala siguro nito na nagkape ako. “Hindi kasi ako makatulog,” sagot ko sa mahinang boses habang nakayuko. Ewan ko ba pero pagdating kay Kylie, sadyang mababa ang confidence level ko. “Ganun ba? Kawawa ka naman,” sabi ko. “More coffee?” “Okay na ako,” nagsinungaling ako sa kanya. Ang totoo niyan ay di ako mahilig sa kape. “Pasensya ka na at pinakialaman ko ang kusina mo,” humingi ako ng paumanhin. “Sandali at may kukunin lang ako,” sabi niya at muli itong bumalik sa kanyang pinanggalingan. Habang hinintay ang babae ay minabuti kong magtimpla ng kape para sa kany. Kaya nang makabalik ito ay nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkatuwa. “Coffee,” sabi ko. “Salamat, bakit ba ang bait mo sa akin?” Tinanong niya “Mabait po talaga ako sa lahat,” sagot ko. “Okay fine,” sagot ni Kylie na para bang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. “Heto nga pala ang bayad ko,” inabot niya sa aking ang pera. “Mas mabuti siguro kung tuturuan na lang kitang magmaneho kasi may motor ka na, eh. Sayang kasi ‘yong pera,” paliwanag ko sa kanya. “Okay lang, hindi naman ako araw-araw na umalis ng bahay talaga. Basta salamat ha,” sabi niya habang nagsimula na itong inumin ang kape na tinimpla ko sa kanya. “Wala ‘yon. Ako pa nga dapat ang magpasalamat kasi kumita ako ng pera kahit konti.” “Kung magsalita ka, parang naghihirap kayo sa buhay, ano?” “Nakakahiya na kasi sa parents ko kung lahat na lang ng bagay ay iasa ko sa kanila,” nakangiti kong wika sa kanya. “Ngayon pa lang ay alam ko ng maganda ang future mo,” sabi ni Kylie. “As long as maganda ang performance ko sa present, panigurado na maganda ang future ko.” “Ubusin mo na ang kape mo,” mungkahi niya sa akin dahil napansin kaagad ng babae na hindi ako uminom. “Okay. Gigisingin ko lang si EJ, may gagawin pa kasi ako sa bahay.” “Sige, puntahan mo na siya.” Wala pang singko minuto ay muli na akong lumabas kasama ang inaantok pa na si EJ. Ginising ko kasi siya dahil ayokong tanghaliin siya ng gising sa ibang bahay. Kahit na nahirapan pa si EJ na ibukas ang kanyang mga mata ay pinilit ko talaga siyang bumangon na. “Uuwi na kayo? Breakfast muna bago umuwi,” sabi ni Kylie sa amin. “Babalik na lang kami mamaya, Kylie. May gagawin pa kami, baka mapagalitan kami ni Mama,” paliwanag ko. “Bye muna.” Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad kong pinainom ang isang baka na bagong bili ni Mama mula sa kapitbahay namin. Nanguha na rin ako ng mga damo para sa hayop at pagkatapos ay saka ko inasikaso ang aming harden na nitong nakaraan lang ay nanalo sa isang contest sa aming barangay. Pinuri kami ng taga-barangay sa sobrang ganda n gaming mga pananim na gulay. Malapit na akong matapos sa aking ginagawa nang dumating ang aking mga magulang. “Good morning Ma!” Binati ko ang ina na mukhang hindi maganda ang gising. Umaga pa lang ay nakasimangot na at aking ama naman ay tahimik lang nakasunod dito. “Kumusta si Kylie?” Biglang tanong ni Mama sa akin. Napatingingin ako sa kanya sa sobrang kaba na baka mababasa niya ang aking damdamin para sa babae. “Okay naman po, Ma. Nag-away ba kayo ni Papa?” Iniba ko kaagad ang usapan upang hindi na niya ako muling tanungin pa. “Ang Mama mo kasi, masyadong tino-tolerate iyong bata!” Reklamo ni Papa. Dalawa lang kami ni EJ ngunit may isang bata na kinupkop si Mama. Ulila na ang batang iyon at tanging tiyahin lang nito ang nagtaguyod ngunit biglang sumulpot ang batang iyon sa tindahan namin noong isang gabi na muntik na itong mapatay ng tiyuhin. Isang buwan pa lang ang bata sa amin ay napansin ko na kaagad na may katigasan ang ulo nito. Sa tingin ko ay mas malala pa it okay EJ ngunit hindi ako nakialam. Minabuti ko na lang na huwag ng magkomento tungkol sa bata. “May buyer ako ng kamatis at sili ngayon kaya magpatulong ka kay EJ sa pag-harvest ng mga iyan,” utos ni Mama. “Opo, Ma.” “Good, pero kumain na muna kayo ng agahan bago mag-harvest,” dagdag pa nito. “Bababa lang kami ng magaling mong ama dahil may darating na fishing boat ngayon.” Tumango lang ako dahil natakot akong lumaki pa ang alitan naming mag-ina. May lima na kaming fishing boat pero noong nakaraang linggo ay nagdagdag ang inay ng isa pa kaya sobrang busy talaga kaming lahat sa umaga. Bandang alas-otso na ako natapos, at pareho kaming pinagpawisan ni EJ habang ihinatid namin an gaming na-harvest na sili at kamatis sa tindahan. Sa tindahan na rin kasi kami kakain ng agahan dahil doon na namalagi ang mga magulang ko. Isa pa iyon sa hindi ko maintindihan eh! May bahay na kami, dalawang palapag iyon ngunit nagpagawa pa ng mas malaking bahay ang mga ito. Malapit ng matapos iyon pero alam kong sa tindahan pa rin sila matutulog o kakain. Ilang metro pa ang layo namin mula sa tindahan ngunit naamoy ko na ang bango ng chicken adobo. Paborito namin ni EJ iyon kaya excited kami pareho. Simula kasi ng pinagtuunan namin ng pansin ang pagpapaganda ng mga katawan namin at araw-araw na kami sa gym, mapili na kami sa pagkain. “Tol, may lakad ako mamaya,” bulong ni EJ sa akin. “Saan?” “Inimbita ako ng ka-chat ko, kakain daw kami ng burger,” sagot ng kapatid ko. “Babae ang nag-imbita sayo?” Medyo tumaas ang aking boses dahil may trauma na talaga ako sa mga babaeng agresibo at naalala ko na naman kung paano ako binastos ng isang tindera sa bakery. “Mag-ingat ka sa mga ganyang klase ng babae at baka malalaman na lang namin na nakabuntis ka na,” paalala ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako ni EJ. “Kakain lang eh,” sagot ni EJ. “Ikaw ang bahala. Alam na ba nila Mama?” “Hindi pa pero sasabihin ko mamaya,” sagot nito. Tumango lang ako kasi pagdating kay EJ, lagi namang oo ang sagot ni Mama. Walang limitasyon kay EJ pero sa akin ay mayroon. Hindi naman sa nagreklamo ako ngunit parang gano’n na nga. “Tara na, kain na tayo kasi may gagawin pa ako mamaya.” “Sa barangay na naman? Wala ka ng free time sa sarili mo,” puna ni EJ at na-appreciate ko iyon. Ngumiti lang ako sa kanya. Ang totoo niyan ay hindi ako ang may gustong sumali sa politics. Sabi ng Mama, kailangan daw iyon upang masanay ako sa mga tao. Noong una ay okey lang sa akin kahit na abala ako sa school pero kalaunan ay gusto ko ng magreklamo. Bente-uno na ako ngunit hindi ko naranasang magkanobya dahil sa sobrang busy. Literal na walang oras para sa ibang mga bagay. Pagkatapos kumain ay umuwi na ako sa bahay upang maligo. Nagpaalam ako na sa bahay na muna at sumabay na rin sa akin si EJ. Wala naman kaming magagawa sa tindahan dahil may assistant naman si Mama plus nando’n pa iyong bata na kinupkop niya, at pati na rin si Lola. Naligo na muna ako nagtungo sa aking study table. Kung dati ay hindi ko pinapansin masyado ang aking cellphone, simula nang dumating si Kylie ay nagbago na ako. Bago ko binuksan ang laptop ay tiningnan ko muna kung may mensahe siya, at laking gulat ko nang mabasa ang kanyang text. Lumabas ako ng silid at pinuntahan si EJ sa kanyang silid. May ginawa pa yatang milagro ang kapatid ko dahil gulat na gulat ito nang pumasok ako. “Samahan mo ako,” sabi ko sa natarantang boses. “Bakit? Kararating lang natin tapos aalis ka na naman?” “May nangyari kay Kylie,” sabi ko at kaagad na rin siyang tumalima. “O tara na!” Pagdating namin sa bahay ng babae ay sirado ito at sobrang tahimik. Naisip ko na baka pinaglaruan lang ako ni Kylie sa text? “Puntahan mo,” utos k okay EJ. “Ikaw na lang Kuya, nakakahiya itong suot ko,” reklamo ni EJ. “Ikaw na at maghihintay lang ako rito.” Natakot yata si EJ sa seryoso kong boses kaya kaagad itong tumalima. Makalipas ang isang minuto ay bumalik na si EJ. “Ano’ng sabi?” “Ni Ate Marian? Maghintay na lang daw tayo saglit kasi magbibihis pa si Kylie.” Tumango lang ako habang hinintay ang babae ngunit nang makita ko itong lumabas mula sa bahay ay bigla na namang lumakas ang pintig ng aking puso. Pinakiusapan ko ang sarili na kumalma na muna at baka mapaano kami. “Hi EJ, sumama ka pala sa Kuya mo,” unang binati ni Kylie si EJ. “Okay lang ba?” “Syempre! Bakit naman hindi,”sabi pa niya. Lihim akong napatiimbagang dahil ako itong sobrang nag-alala sa kanya ngunit si EJ ang una niyang binati. Tumikhim ako bago nagsalita. “Ano’ng nangyari?Okay ka pa naman kanina, ah.” “Nadulas kasi ako kanina,” paliwanag ng babae. “Ang tigas kasi ng ulo, sinabi ko na sa loob na siya maligo, gusto talagang lumabas, kaya ‘yan ang napala niya.,” sumali sa usapan si Marian habang karga nito ang bata. “Hindi ko naman sinadyang madulas,” paliwanag ni Kylie sa mahinang boses. “Tara na,” sabi ko. “Malayo ba ang tagahilot?” “Sa kabilang baryo, Ate Kylie,” sagot ni EJ. Bumaba ako ng motorsiklo at sinabi kay EJ na siya na ang magmaneho. “Tara na Kylie,” inulit ko ang aking sinabi kanina. Nang pinaandar na ni EJ ang motorsiklo ay kaagad na akong umangkas at sumunod na rin si Kylie. Kabado ako ng bente dahil sa sobrang lapit ng aming katawan ngunit napangiti ako nang maramdaman ko ang isang bagay na inilagay niya sa pagitan namin. Wise talaga ang babae at mas lalo lang akong namangha sa kanya. “Okay lang ba kung ipatong ko sa hita mo itong na-injured kong kamay? Kanina pa kasi ako nangangalay, eh.” Muntik nang tumalon ang aking puso nang bigla siyang bumulong sa akin. Nakakapangilabot! “No problem po,” mahinang sagot ko. “Thank you, Jericho.” “Ate Kylie, warning lang po na medyo lubak-ubak ang daan patungo sa bahay ng tagahilot, baka malaglag po kayo,” sigaw ni EJ sa unahan. “Hindi naman siguro,” ganting sigaw ni Kylie. Nang mapadaan kami sa lubak-lubak na daan ay napansin kong nakahawak na siya sa aking damit. Natakot siguro na malaglag kaya lang ay biglang huminto si EJ at sa hindi inasahang pagkakataon ay naramdaman ko ang kanyang dibdib sa aking likuran. Sa sobrang gulat siguro ng babae ay naibaba nito ang wallet na ginawa niyang pangharang kanina. Tahimik lang ako ngunit alam kong naramdaman ni EJ ang pagbabago sa aking katawan. Patay talaga ako sa kanya kapag nakauwi na kami kasi panigurado na tutuksuhin ako ng kumag. “Malayo pa ba tayo?” Nagtanong si Kylie. “Malapit na,” sagot ko. “Mabuti na lang,” sabi niya. Nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay ng tagahilot ay nauna ng bumaba si Kylie at sumunod ako sa kanya. “Hello Katrina, nariyan ba ang Lolo mo?” Tinanong ni EJ ang kaklase nitong dumungaw sa may bintana. “Magpapahilot sana,” sabi ni Kylie. “Next week pa uuwi si Lolo, lumuwas po kasi ng Maynila,” sagot ni Katrina. “Ganun ba? Sige, salamat. Paano na?” Nagtanong siya sa akin pagkatapos nitong pasalamatan si Katrina. “May hilot pa naman pa naman sa kabilang barangay,” sagot ko. “Ano? Wala bang mas malapit dito? Gutom na ako,” reklamo ni Kylie. “Kumain muna tayo,” mungkahi ko sa kanya. “Gusto ko ng siomai,” sabi ng babae. “Malayo po ang siomai, nasa kabilang bayan.” “Ah sige kahit ano na lang.” “Puntahan na natin te, baka makunan ka pa,” pabirong sabi ni EJ. Habang papunta na kami sa kabilang bayan, hindi na mabagal ang pagpapatakbo ni EJ. Sa sobrang bilis namin ay naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Kylie sa aking baywang. Nagulat ako noong una pero hindi ko naman siya p’wedeng sawayin at baka natakot sa sobrang bilis ng takbo namin. Nang makapasok na kami sa mall, si EJ ang leader naming tatlo at napailing na lang kami ni Kylie habang nakasunod sa kanya. Tahimik lang akong naglakad nang biglang mapasinghap si Kylie. “Bakit?” Tinanong ko siya. “Ang suot ko,” sagot ng babae. Saka ko lang napansin na sobrang ikli pala ang suot na shorts ni Kylie. “Huwag mo na lang isipin na ganyan ang suot mo, tara na.” “Baka iisipin nila pokpok ako,” sabi ng babae. “Magiging pokpok kaagad dahil sa ikli ng damit? It’s fashion,” sagot ko sa kanya ngunit kaagad akong nagsisi sa aking sinabi. Pakiramdam ko kasi ay gusto niyang tumawa o pagtawanan ako. Pagkatapos naming kumain ay bumili kami ng zagu at inubos namin ‘yon bago lumabas ng mall. “Baka may bibilhin kayo sa loob, p’wede tayong bumalik.” “Wala kaming bibilhin,” ko at kaagad na napawi ang ngita ni EJ. “Ate,” tawag ni EJ sa babae. “Bakit?” “Tingnan mo sa salamin, parang kakaiba ang form ng braso mo.” Kanina ko pa napansin ang namamagang braso ni Kylie ngunit hindi ako nagsalita at baka mas lalong matakot ang babae. Anyway, papunta naman kami sa tagahilot. Dinilatan ko si EJ dahil sa pagiging taklesa nito. Daig pa ang babae! “I’m scared,” sambit ni Kylie sa gumaralgal na boses. “Kaya ni Lolo Biloy ‘yan,” panigurado ko sa kanya. “Tara na kaagad!” At nag-apura na ngang umalis si Kylie dahil natakot ito. “Okay,” sagot ni EJ. Tahimik lang akong naglalakad nang biglang lumundag sa harapan ko si Kylie at nagtanong ng, “What’s funny?” “Masyado ka kasing nerbyosa,” sagot ko. “Kung ikaw kaya ang nagkakaganito!” Umirap ang babae at umangkas na kaagad ito. “Bumaba ka muna,” utos ko sa kanya dahil ayokong nasa gitna namin siya ni EJ. “Bakit?” “Ako diyan,” giit ko sa kanya. “Bakit nga?” Makulit na nagtanong si Kylie. “Basta!” “Okay, fine! EJ bilisan mo ha para makarating tayo kaagad.” Nang binilisan ni EJ ang pagpapatakbo, nagreklamo na naman ang babae dahil sa sobrang bilis daw. Napailing na lang ako sa ginawa ni Kylie. Nang sumilip ako sa may salamin, hindi nakaligtas sa akin ang nakasimangot na mukha ng kapatid ko. Ayaw kasi nitong utus-utusan. “Bagalan mo ng konti,” utos ni Kylie. “Ikaw na lang kaya ang magmaneho,” sabi ko sa babae bago pa ito mapagalitan ni EJ. “Kung alam ko lang, hindi ako magpapa-drive sayo,” sabi niya at nang mapansin ng babae na hindi ako umimik at tahimik lang ako, bigla na lang nitong inilapit sa akin ang kanyang mukha at bumulong ng, “Sorry na po, bati na tayo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD