“DAMN IT!” DINIG niyang sambit ni Sebastian. Dinig din niya ang mga malalaking hakbang nito na palapit sa kinahihigaan niyang sun lounger. Naapakan kasi nito ang ilang tuyong dahon at kahoy kaya alam niyang paparating ito. Nag-sunbathing siya na masama ang pakiramdam, wearing her two-piece suit. Bakit ba? Nagpapapawis lang at para makakuha ng bitamina mula sa haring araw. Nakadapa siya habang nakaunan patagilid sa mga braso at nakatanaw sa malalaking along humahampas sa dalampasigan. “What time is it?” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Sebastian. Nagpatuloy lang siya sa panonood sa dalampasigan. “Nichole!” Napapikit siya nang marinig ang buong pangalan. “Problema mo ba?” singhal niya dito na hindi tinitingnan. “You!” sigaw na namna nito. “Okay. Galit na siya,” aniya sa sarili. “O