AKMANG IPAPASOK NITO ang dila sa loob ng bibig niya nang maalala niyang hindi siya nito sinipot noong birthday niya, kinagat niya ang ibabang labi ng binata dahilan para bumitaw ito. “Aww!” may pagtatakang daing nito habang sapo ang labi. Sumampa rin siya sa katawan nito at inis na pinaghahampas niya ang dibdib nito. Wala siyang pakialam kung naiipit na niya ang naninigas nitong kaibigan. “Walanghiya ka! Ang tagal mong hindi nagparamdam! Hindi mo pa ako sinipot noong birthday ko, Tapos ngayon hahalikan mo lang ako ng basta?” “Ikaw ‘tong basta-basta na lang sumampa sa kama ko. Ikaw pa ang–” “Ah, gano’n?” putol niya sa sasabihin nito. “Nabigla lang naman ako kaya kita hinalikan.” Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. “So, kahit sino hinahalikan mo kapag sumampa sa kama mo?” “Yes,”