“F*ck!” Hindi niya maiwasang magmura ni Sebastian nang makitang punuin ni Nikki ang sink ng tubig. Walang ano-ano’y nilublob nito ang mukha ni Gabby ng ilang beses. “Ma’am,” ani rin ni Cedric na bagong dating. Kasunod ni Cedric si Axel at Grecco ng mga sandaling iyon. Pilit na kumakawala si Gabby sa asawa pero hindi ito makaalis. Hawak ng asawa ang isang kamay ni Gabby. At ang isa naman ay nakahawak sa buhok ng huli. Nakaalalay naman ang kanang kamay nito sa buhok dahil mukhang masakit kapag hinihila ng asawa. Hindi niya akalaing gano’n kalakas ang asawa niya, dahil nakaya nitong salagin ang mga hampas ni Gabby mayamaya. Ilang ulit pa nitong nilunod ang mukha ni Gabby sa sink na puno ng tubig. Tinakpan pala ng asawa ang sink para makaipon ng tubig. “T-tama na,” pakiusap ni Gabby sa