Chapter 87: DecisionMaking

2434 Words

“MASAMA NA BANG dumalaw sa kaibigan? Where is she, anyway?” Akma pang sisilip si Luka nang itulak niya. Natawa lang ito sa ginawa niya. “Sinong nagbigay ng permiso sa ‘yo na pumasok sa pamamahay ko?” “No one,” “Then why are you here?” aniyang may himig na inis pero sa mahinang tinig. Baka kasi magising ang asawa niya. “Dahil gusto kong makita ang asawa mo.” Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito. Hahakbang sana ulit ito para sumilip nang itulak niya ulit. Pagkatapos niyon, mabilis na sinara niya ang pintuan at hinarap ng maayos ang kapatid. Nakasuot lang siya ng boxer ng mga sandaling iyon. Sila lang namang dalawa ang naroon sa labas. “Get out of my house now!” Tumaas na ang boses niya sabay turo ng pintuan sa baba. “Paano kung ayoko?” hamon nito sa kan’ya na ikinainit niya ng ulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD