Chapter 16: Deal

1303 Words

“SEBATSIAN?!” GULAT NA sambit ni Nikki nang mapagsino ang pumangko sa kan’ya. At ang nakakainis dito, basta-basta na lang siya nito ipinasok sa sasakyan na parang bagay lang na itinapon sa loob. Wala man lang siyang mabasa na reaksyon dito. “Saan mo ba ako dadalhin? Matutulog na— ay!” aniya nang pabagsak na isinara nito ang dahon ng pintuan. “Bastos!” Lalabas sana siya pero hindi na niya nagawa dahil sa paraan ng tingin nitong may halong pagbabanta. Ano na naman kaya ang trip ni Sebastian ngayon? Pero sa loob-loob niya, nagdiriwang siya. Nagbunga din ang ilang oras niyang paghihintay sa Spotlight. Ayaw pala ni Sebastian na hinihintay, gusto pala nitong ito ang pupunta sa kan’ya. Eh ‘di, maganda. Hindi niya mapigilang mapangiti ng mga sandaling iyon. “What's up with that smile?” anito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD