NAPASAPO NG MUKHA si Nikki gamit ang mga palad nang talikuran siya ni Sebastian sa sofa na hubot’ hubad. Tumigil din ang binata sa ginagawa nito nang makitang titig na titig siya sa telepono nitong may litrato nila ni Luka. Tama yata ang nasa isip niya, na madumi ang iniisip nito sa litratong iyon. Naiinis siya kasi hindi man lang humingi ng paliwanag muna bago mag-isip ng kung anu-ano. Eh, paano kung ibalik niya ang ginagawa nito? Mabilis na pinulot niya ang mga damit na pinunit ni Sebastian at umakyat sa silid niya. Tinapon niya sa basurahan ang mga nasirang damit at dumeretso sa banyo. Nagpupunas siya ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Si Sebastian iyon, at bihis na bihis. Bumaba ang tingin nito sa katawang niyang bahagya pang basa pero kaagad din namang binawi nito. “You