“HINDI MO PUWEDENG palagpasin ito Sebastian. Nakita mo naman ang ebidensyang ipinakita sa ‘yo ni Anthony. Solid. Akaturo ang lahat sa ama mo. Palalagpasin mo ba ito? Walang ibang may motibo na patayin ina mo kung hindi ang ama mo. Dahil lamang sa posisyon niya. Gusto niyang ipalit ang kerida niya!” Hindi maiwasang mapatitig si Sebastian kay Jeronimo na gigil na gigil lagi sa totoong ama niya. Ito ang ama-amahan at naging sandalan niya nitong mga nagdaang taon, na dapat ay sa totoong ama niya nanggagaling. Hanggang ngayon, sabay nilang tinutuklas ang hiwaga at misteryo ng pagkamatay ng Mama niya. Hindi naman imposible sa ama niya na bayaraan ang ilang opisyal ng gobyerno dito sa Pilipinas para takpan ang totoong nangyari sa ina niya dahil sa yaman nito. Mabilis ngang ibinasura ng korte a