Maalinsangang panahon ang gumising kay Lilith nang tanghaling iyon. Napahaba ang tulog dahil sa pagod sa biyahe at sa napakaraming nangyari kahapon. Kumakalam na ang sikmura niya nang bumangon. Kahit gising na gising na ang diwa ay nanatili muna ito sa kaniyang higaan ng ilang minuto pa. Nagmuni-muni sandali at habang nag-iisip ng kung anu-ano ay sinasabayan ng buntong-hininga. Hindi niya kasi alam kung ano ang petisyon na sinasabi ni Mav kahapon. Naguguluhan parin siya nang husto. Wala kasi siyang alam sa mga ganoong bagay, sa mga batas at mga karapatang pantao. Huli na niyang napagtanto na dapat noon pa lamang ay inalam na niya upanv hindi nila siya naapak-apakan. Pakiramdam niya'y isa siyang malaking hunghang. Walang kaalam-alam sa mundong kaniyang kinagagalawan. Hindi niya maiwasa

