Alam ni Rowena na mahihiya nang bumalik si Lilith sa kanila kaya tinext niya ito at pinagbantaang ipapaalam kay Mav ang sinabi niya sa kanila. Biro lang naman iyon dahil hindi wala silang balak ni Janina na pakialaman ang dalawa sa mga gusto nila. Kampante na silang mag-ina sa nalaman na may pag-asa si Mav kung sakaling mangligaw nga ito sa dalaga. Ramdam niya kasing unti-unting nahuhulog ang panganay niya sa mabait na si Lilith at kung magligawan nga at maging sila ay hindi naman siya kokontra sa dalawa. Masaya pa nga siya e dahil isang mapagmahal at mabait na babae ang si Lilith. Iyon nga lang, ayaw niyang makialam at pangunahan sila. Bahala na sila sa susunod na step ng buhay nila ika nga at susuportahan na lamang niya ang dalawa. Tama na ang minsang binutas niya ang gulong ng scooter

