"Maverick!" masayang tawag ng lola ni Mav sa kaniya nang makita siyang pumasok sa pinto. Tumayo ito upang salubungin siya at nang malapitan ay niyakap at pinupog ng halik. "I missed you so much my boy," anito gamit ang Indian accent nito habang hinahalik halikan ang apong mas malaki pa sa kaniya. Sumunod na tumayo ang lolo niya na katabi nitong nakaupo kanina sa sofa ngunit ang nakaagaw ng pansin ni Mav ay ang Indiana na mukhang nahihiyang tumingin sa direksyon nila. "Come here our boy, let us introduce you to a pretty lady," yaya ng lola niya at marahan siyang hinila palapit sa babaeng nakaupo. Nang marinig ng babae na ipapakilala raw sa kaniya ay agad siyang tumayo. Nanatiling nakayuko ang ulo niya at parang ayaw tumingin sa mga mata ni Mav. "This is Priya, she's the daughter of ou

