Pag-uwi ni Lilith galing trabaho ay inumpisahan na niya ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. Binigyan siya ni Aling Mina ng mga lumang diyaryo at mga kahon upang mapaglagyan. Nag-alok pa nga ito ng tulong ngunit kaunti lang naman ang mga gamit niyang aayusin kaya sinabi niyang kaya na niya ang mga iyon. Inuna niya ang mga gamit ng kanyang Tiyahin dahil iilan lamang naman. Nasa mga bag na ang karamihan at ang pinakamamahal nitong mga vase ang kanyang na lamang binalot ng makapal na diyaryo upang hindi mabasag. Mag-aalas dose na halos nang matapos siya at pasado ala una naman ng madaling-araw nakatulog. Ala sais pa lamang nang magising siya at bumangon na dahil baka dumating ang mabait na Ginang ng napakaaga. Hindi niya natanong sa mabait na Ginang kung saan ang apartment ang tinutukoy nit