Pinakinggan n'ya muna sila mula sa kan'yang kabilang parte ng pader. Nagbabakasakaling makakuha siya ng sagot. Tumahan na si Lilith at narinig ni Mav nagsalita ang Mama niya. "Nakauwi naman na si Priya, wala ng manggugulo sa inyong dalawa. Kakausapin ko si Mav, itatanong ko rin kung may ginawa siyang kalokohan. Kaya tahan na, punasan na natin mga luha na 'yan. Dapat nga masaya ka dahil nanalo ka. Siguradong magiging proud si Mav pati ang tito mo kapag nalaman nila," wika ng Ginang. "Si Priya ang dahilan?" mahinang tanong ni Mav sa sarili. Mistulang ang Indiana kasi ang dahilan nang pag-iyak ni Lilith. Bigla siyang napaisip ng maaring dahilan kung bakit. Kung may nasabi ba siyang kay Lilith tungkol sa Indiana na hindi nito nagustuhan o kung nagawa ba siyang maari nitong ikagalit. Wala s

