"Ano na ngayon ang desisyon mo, 'te? Kahit na ano pa man iyan, alam mong andito lang kami para sa iyo. Susuportahan ka namin ni kuya kung ano man ang magiging desisyon mo ngayon." Mula sa masayang panonood kay Romanov na hinehele si Bin-Bin sa garden ay nag-angat ako ng tingin kay Dendrick. Nakaupo kami sa may pool at nakatingin sa mag-ama ko. Kitang-kita ang labis na saya sa mukha ni Romanov habang nakatitig sa anak na nakatulog na sa bisig nito. Magmula ng nakauwi kami sa bahay ay halos inako na nito ang pag-aalaga sa baby. May nurse naman kami at nandiyan naman ako pero ito pa rin ang pagpapatulog sa anak namin. Kapag napupuyat ako kay Bin-Bin ay sinasamahan niya ako. Hindi ko na nga alam kung papaano pa nito nakakayang magtrabaho kinabukasan. "Gusto kong makasama si Rom, Den. Gu