Mula noon ay pansamantalang natigil ang pagkikita namin ni Romanov. Umabot iyong ng humigit isang linggo. Hindi niya rin ako kinontak. Si Angel na lang ang palagi kong nakakausap. Kahit sa kaniya ay hindi ako nagtatanong tungkol sa lalake kahit nangangati na ako. Parang bumalik uli sa normal ang buhay ko. Aral at bahay uli ang naging normal routine ko. “Ate, kanina pa tumutunog itong cellphone mo. Dinala ko na para sa iyo.” Hinubad ko ang salamin sa mata at nginitian si Dendrick na dala ang cellphone ko. Inabot ko ito at nagpasalamat. Tiningnan ko ang number at biglang kumabog ang dibdib ko. Isinarado ko muna ang pinto ng kwarto bago sinagot. “Hello?” anas ko. “Ms. Villegas, this is Angel.” Ang kaninang excitement ay napalitan ng disappointment. Akala ko ay si Romanov na ang tumataw