Tinanaw ko ang papalayong kotse ng mag-asawa mula sa bintana. Nakumbinsi na nga ni Romanov si Clarisse na umalis na. Doon ko napagtanto kung gaano kagaling magsinungaling ang lalake. Ang tamis ng mga ginagamit niya na salita kaya hindi na ako nagtataka kung bakit madali nitong nabilog ang ulo ng babae. “Hindi ko hahayaan na paikutin mo rin ako, Romanov.” Bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone para tawagan si Romanov. Nagri-ring lang ang cellphone nito pero hindi nito iyon sinasagot. Sumuko na rin ako ng umabot na sa 50 calls ang nagawa ko. Cannot be reached at out of coverage area ang palaging sinasabi ng operator. “Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa akin, Rom.” Pinadalhan niya ito ng isang text. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kailangan kita r